Jump-off point: Evercrest Golf Course, Nasugbu LLA: 14.0408 N 120.8011 E 811 MASL Days required / Hours to summit: 1 day / 2-4 hoursSpecs: Minor climb, Difficulty 4/9, Trail class 3 with 60-70 degrees assault Source: http://www.pinoymountaineer.com/ Para sa inyong kaalaman: Batulao’s name was derived from “Bato sa Ilao” (Illuminated Rocks) which later on became abbreviated to “Batulao.” According to local residents, every yearend the sun sets right between Batulao’s two peaks, creating a spectacular image of rocks surrounding a disc of red light. This was supposed to be an overnight stay sa Mt. Batulao pero dahil sa kasagsagan ng Bagyong Mina, My bundok buddy, Thyrone and I decided na gawin nalang day Hike para matuloy lang kasi ayaw namin imove ng ibang araw. Naakyat na ni Thyrone ang Mt. Batulao kaso hindi nila naabot ang summit sa kadahilanang si Thyrone at ang kanyang groupo ang nakakaalam, so gusto nyang ulitin. Ako naman, Mt. Batulao was my first summit and off we go. 4:00 am na kami umalis dito sa Makati papuntang EDSA-Taft MRT station para sumakay ng bus Going to the Jumpoff point sa Evercrest Golf Course (PhP 106.00) then rode a tricycle papunta sa portion kung saan magstart ang Trek (PhP 50.00). From there start na nagtrek, umaambon at foggy.... hindi maaraw kaya masarap magtrek. Sobrang foggy at malakas ang hangin na paminsan minsan humihinto kami ni Thyrone para padaanin ang malakas na hangin. Minsan din kailangan dumapa para di tangayin ng malakas na hangin. We chose the New Trail kasi nung umakyat si Thyrone noon, they used the Old Trail at ako naman, majority ng nabasa kong mga blogs ay puro New Trail ang kanilang tinahak kaya medyo nagkaidea ako sa new trail. Every peak we stopped tapos picture picture muna. Nung nagsimula ng medyo na zero visibility na sa area, stop muna sa paghihike kasi baka tayo ay mahulog at baka sa baba na kami pupulutin. By the way, hindi pala kami kumuha ng guide, ako naman kampante na ako sa kasama ko since naakyat na to, yun nga lang old trail yung way nila noon.
Knowing na wala pang nagattempt na magsummit, hindi ko lang alam kung anong meron sa akin that time pero pinagpatuloy ko pa din ang pagakyat namin despite sa weather. Naisip ko nalang pagkatapos nung akyat, if sobrang delikado dapat nung nagbayad palang kami ng registration, yung bantay doon ay dapat pinagbawalan na kami.I know if may makakabasang professional mountaineer sa blog na to, ako ay mapapagalitan at mapagsabihan na hindi tama ang decision ko. Sorry po! Naakyat namin yung isang part sa Batulao na I think.... I think dead end sya kasi wala na kaming makitang trail... at nasa tuktok yun..... Dapa! yun lang nasabi ko kasi sobrang lakas ng hangin ang parang tatangayin kami dahil sa suot naming raincoat...... No Choice, baba uli kami after makadaan ang malakas na hangin. Eto yung picture na yun..... hindi ko alam if dead end ba talaga yan pero wala na kasing trail sa taas nyan. Nasa gilid yung isang daan nyan, iikotin lang pala yan para makita ang kabilang side. I thought summit na yun, pero ang alam ko may statue ni Mother Mary ang summit. Nung nawala na ang fog, ayun nasa harap namin ang isa pang mataas na portion ng bundok. Hindi pa summit to, kaya baba nalang kami. Reaching the summit was no ordinary dahil sa weather. I would say, the fog and the rain was an advantage kasi hindi kami panay nauuhaw, hindi mainit kaya tuloy tuloy ang trek. Pero disadvantage din sya kasi wala masyadong nakikitang view dahil natatakpan. We have to wait na mawala ang mga ulap para kumuha ng pictures. Doon na din kami sa summit ng Lunch........ Tambay muna, nilalasap ang feeling na naabot ang summit na walang guide. Nilinis ang lugar at sinimulan na naming bumaba na ng summit. Nagtraverse kami, this time we used the old trek pababa. Descend using Old Trail Wow, mabato pala ang Old Trek, kaya adventure to..... Malayo layong trail din to until maabot namin ang Peak 1 ng old trail, Bayad ulet ng registration 20.00 at nameet din namin ang mga nagcamp sa Peak na naghahanda din na magsummit nung time na yun. May ilog din kaming nadaanan palabas ng Old trail, linis muna ng sapatos ang kunting pahinga. My Mt. Batulao experience was the start ng crave ko na umakyat pa ng maraming bundok hangga't makakaya.... Kaya habang marami pang vacant time, Thyrone and I planned more climbs until maabot namin ang goal na ma experience ang sea of clouds ng Mt. Pulag....
0 Comments
Leave a Reply. |
This is my blog...
My Diary..... Travel... Climb... Swim..... My Adventures in Words Archive
February 2016
Mountains
All
Social Media Activities Instagram: @iamnoemptyTravel & Leisure |