Bacolod City, The Sugar bowl of the Philippines. July palang pinaghandaan ko na this year iba ang gagawin ko sa birthday ko. Natiming din na nagseat sale ang AirPhilippines kaya nagbooked kaagad ako ng round trip Manila - Bacolod. August 6 came, pagkaout sa office....kinuha ang bag na naglalaman ng dalawang shorts and 3 shirts at iba pang kailangang gamit then off to NAIA Terminal 3 for departure. May halong kaba at saya dahil ibang celebration to para sa birthday ko..... Solo Flight, Solo Travel. Arrived at Silay Airport almost 12 noon. I took a Van going to Bacolod City, 100 pesos ang fare. Sa front seat ako umupo para makausap ko ng maayos si Manong Driver at maibaba nya ako sa Saltimboca Pension, buti nalang medyo kilala yung lugar at naibaba naman nya ako maayos. Saltimboca Pension is located sa 15th Lacson St. I rented a single AR room for 600.00 pesos (2D1N). The room was almost perfect for me kasi ang purpose lang naman talaga noon ay mapagiwanan lang ng gamit at matulogan. AR, cable TV at mayroong Hot&Cold water kaya ok na. I read several blogs about Bacolod City, prior bumisita, kung saan iikot ikot at kung saan kakain. Number 1 na recommendation ng mga bloggers ay ang Calea at buti nalang sa labas ng Saltimboca ay meron silang shop. Pasok at pili na ng cake...daming tao, talagang dinadayo pala tong shop na to. Pila, tingin... tingin ulet sa kabila, balik sa unang lane... at sa wakas nakapili na ako. Excited na ako matikman ang pinagmamalaki ng mga taga Bacolod. I sat sa isang corner, watching the people around while waiting sa orders ko... Opo ORDERS....hahahha pagbigyan nyo na ako, birthday ko naman eh. Ayan na dumating na orders ko. Ayan, solve na ako sa birthday ko.... may cake na ako... at dalawa pa. Hindi nga lang ako nakahinge ng candle for me to blow. Next stop ko ay magsimba, magpasalamat sa ika 30th na taon ko sa mundo at sa safe na trip papuntang Bacolod. Sa labas lang ng Calea may sakayan na papuntang Negros Cathedral, hopped in at off to Cathedral. 8.00 pesos lang ang pamasahe. Hindi na huminto ang ulan nung araw na yun ... kaya I texted my friend na taga Bacolod para imeet ako at ng may magawa naman while umuulan. We stayed sa Robinson's mall at nagpatay ng oras sa loob while its raining cats and dog sa labas. Nanood nalang kami ng Sine: Babae sa Septic Tanks.
Gabi na nung matapos ang movie, nagpahatid nalang ako pabalik sa Inn. Naligo na ako at ready ng magpahinga ng maremember ko hindi pa pala ako nagdinner. Kaya lumabas ako at pumunta sa Manokan Country..... Dahil medyo umulan, nagtaxi nalang ako mga around 70 pesos lang ata yun. Sa manokan country, magkakahilera ang mga nagbebenta ng Inasal..... so doon nalang ako sa konti lang ang tao...pero wala akon mahanap kaya kung saan nalang may vacant. Paexperience lang ng Bacolod Inasal..... Yumyum... masarap at nabusog ako... amoy soy sauce ako kahit sobrang washed na kamay ko... Solve na ang unang araw ko... Balik na sa Inn para matulog. Day 2 : Negros Occidental - Talisay City
0 Comments
Leave a Reply. |
iamnoempty
Archives
February 2016
Places
All
Social Media Activities |