East Asian Trilogy
1. Mt. Kinabalu (4,095 m) - Malaysia | 2. Mt. Yushan (3,952 m) - Taiwan (Done) | 3. Mt. Fuji (3,776 m) - Japan (Done) Mt. Fuji is the highest mountain in Japan and is open for hikers during summer only, around August - September. The team opted to use the "Bullet Climb" strategy due to time contraint (pero nagtitipid talaga kami sa gastos) and started hiking around 10.30PM. Our entry point was in Yushida Trail. As describe by many, this is the so called Tourist trail. Iba pala ang description nila sa Tourist trail, akala ko ala Ambangeg trail ng Pulag... Aba'y panay assault eto, kapagod. Parang nagAkiki lang na puro bato.
Daming tindahan sa summit, bentahan dito bentahan doon. Mini Market ang datingan, at may Wifi pa (Thanks to Docomo, Astig!). Pero san ka pa, may Post Office sa tuktok.
Malawak ang summit at nakapagikot pa kami sa gilid ng crater at nakapagpapicture pa sa highest peak ng Fuji. So dahil mga "hardcore" nga daw kami, pinili namin na lumabas sa pinakamahabang trail ng Fuji, ang Gotemba trail. Sus! mahaba lang pala, kaya yan. Summit Shots
Bato, bato at ang daming bato habang pabangin ng pabangin ang aming mga dinaanan.
Sabi nila sa pamumundok, ang masarap eh yung wala kang idea kung anong klase ng trail meron ang isang bundok para surprise daw! Anak ng Pusang Kalye, dko inakala na ganoon pala ang trail. Pagkatapos kang pababain sa bangin na mabato, palalakarin ka ng 8 kilometrong puro GRABA! Isang malaking deserto ng graba ang buong paligid. Habang ako nalang magisa naglalakad sa deserto at nagiisip kung nawawala na ba ako?... Gagana pa kaya kung ibaligtad ko ang Tshirt ko? May engkanto kaya sa Japan. Kung nagreklamo na ako sa Delta 5 trail ng Pinatubo kasi lumulubog ang paa kada yapak, sa Gotemba mas matindi... kinakain ng mga graba ang mga paa. Sugat, Paltos at Sirang sapatos ang inabot ko sa trail na to. Sa wakas, may nakasalubong akong Hapon at nagtanong kung nasa tamang daan ba ako.... Ang sagot ay ngiti, syempre d makaintndi ng English. Sign Language ang ending at tinuro ang daan palabas. Sabay hirit kong tanong. Are you going to Fuji's summit today? sagot naman nya Yes, napakamot nalang ako sa ulo (na puno ng alikabok) sabay sinabing Why this trail? why..... Challenge ang sinagot nya. OK Fine! kayo na ang naghahanap ng challenge. Kinakausap ko nalang sarili ko habang naglalakbay sa desertong graba para hindi mabaliw... Naiintindhan ko na si Chuck Nolan sa Castaway kung bakit gumawa cya ng manyika na gamit ang niyog para may kausap habang magisa sya. WALANG FOREVER! Naniniwala talaga ako sa kasabihan na yan... kasi kahit ang lawak ng desyerto, may hangganan din eto. Imaginin nyo nalang ang scene sa Panday, yung fight scene sa desert, or Sand Dune sa Ilocos.... ang lawak at ang init. Gotemba Trail
Kung sa tingin nyo ay ang Delta 5 ng Pinatubo ay mahirap dahil sa mga lahar-buhangin neto..... Mali, maling mali... kasi mali talaga ang inakala ko... Gotemba trail ang magiging pamantayan ko na sa ganitong klaseng trail. Iyak-Tawa nalang.....
Dami kong natutunan sa akyat nato. 1. Kahit hindi mandatory ang GUIDE at walang ENTRANCE FEE ang UNESCO world heritage na bundok eto...... ANG LINIS PA DIN ng LUGAR. - Hindi katulad sa Pinas na magbabayad ka ng napakamahal at san damakmak na Fee at may Environmental Fee tapos pag dating mo sa Tuktok, gabundok din ang Basura. SAN KA PA? ONLI IN MY BELOVED Country ang may ganyan. 2. Pagsinabing magDala ng Gaiter, MAG DALA! wag magmamagaling..... Ayan ano napala mo..... Sirang sapatos at mga paltos. Sakit dba? pati bulsa sakit din kasi bibili na naman ng sapatos. Kamot nalang. 3. Magaral ng Basic words/phrases pagpupunta sa ibang lugar at ng hindi magmukhang tanga. Pinagpala pa din kami at maganda ang weather sa araw ng akyat namin kasi maraming hikers na umakyat the next day na inulan at hindi nasilayan ang Goraiko. Salamat Fuji, hinding hindi kita makakalimotan. Arigatou Gozaimasu Fuji-san! Ohachimeguri
1 Comment
Your comment will be posted after it is approved.
Leave a Reply. |
This is my blog...
My Diary..... Travel... Climb... Swim..... My Adventures in Words Archive
February 2016
Mountains
All
Social Media Activities Instagram: @iamnoemptyTravel & Leisure |