The Lagoon Maaga ako gumising para magikot ikot sa City. Hindi na umuulan at malamig ang temperature.... I went to the Lagoon para kumuha ng pictures sa mga activity... It was sunday at marami ang naggrogroup exercise, jog and family bonding moments habang pinapakain ang mga isda sa lagoon. Tambay lang muna ako sa area habang pinapanood sila. The Capitol, from a far Sa kabilang side ng park makikita mo na ang magandang structure ng Provincial Capitol. Kaya pinuntahan ko at ng makunan ng picture up close I waited for several hours para magbukas ang isang sweet shop na malapit dito pero 10am pa pala yun magbubukas nung nagcheck ako sa net. Umuwi muna ako sa Inn para magbihis at maghanda para pumunta sa Silay at bumisita sa The Ruins. Sa harap ng Calea, may isang sweet shop. I forgot the name pero parang C3 ata yun. Katabi lang eto ng L'Fisher Hotel. Kailangan sumakay ng Jeep na dadaan ng Pepsi tapos baba lang doon at may mga naghihintay ng tricyle para magdala sa The Ruins, special ride pala yun for 50.00 kasi bihira lang ang pumupunta doon. Hindi naman ako naligaw and the ride papuntang The ruins was medyo mahaba haba pero sulit naman nung napuntahan ko ang lugar. May dadaanan kang residential area..... sugarcane plantation at you have to wait for tricycle na dadaanan para dalhin ka ulet sa city, unless mapagusapan ninyo ng driver na hintayin ka. Parang hunted house sya sa malayo kasi malaki at old na ang bahay. Well preserved ang structure despite na sinunog eto during the war. My shots sa The Ruins After the tour, diretso ulet ako sa may park ng Bacolod City para puntahan ang isa pang Sweet Shop. Kunting pahinga nalang muna then lakad pabalik sa Saltimboca Pension para magayos na then checkout. Naglunch muna ako bago papunta sa SM Bacolod, kung saan may van diretso sa Silay Airport. I took my lunch sa Trattoria Uma (CSI Bldg. 15th & LAcson Sts.). Adjacent sa Calea and C3 Sweet Shop (L'Fisher Hotel) I ordered Penne Funghi con Pancetta for 480.00. A bit pricey but sulit... madami ang serving at ang sarap. Solve na ang lunch ko. Then I'm off to SM Bacolod na. Since hindi naman Maskara Festival nung time na pumunta ako, naghanap nalang ako ng isang store where in makakabili ako ng Mask, souvenir
0 Comments
Leave a Reply. |
iamnoempty
Archives
February 2016
Places
All
Social Media Activities |