Bumawi ako dito dahil the last Tree planting activity I was invited sa La Mesa Nature Reserve hindi ako nakasama sa kadahilanang late ako nagising. I was with the same group pa din, Pinoy Volunteer Group (a Facebook Group), pero marami ang new faces sa na volunteers kaya new sets of pagkakaibigan na naman to. :) We hired a bus kaya masaya ang trip at medyo mahaba ang byahe papuntang Malalim Communal Forest Park sa Baras, Rizal. When we reached the jump off point, medyo marami na din mga tao na nagvolunteer din pero mas marami na ang nauna sa amin sa area kung saan maglilipat na ng seedlings. May isang group na puro mga Police, sobrang dami nila and they were the first batch na nagtanim then another group of individuals tapos kami naman. Bilang kami ang nahuli sa magtatanim medyo kunti nalang ang natirang seedlings kaya nakadalawa lang ako. :) We need to climb sa medyo mataas na part since eto nalang ang natitirang area kung saan magtanim. Luckily medyo may natira pa and at least hindi nasayang ang pagpunta ng group. Maputik pero masaya ang mga oras na yun. Bilang isang aktibong namumundok, marami na din akong naakyat na mga bundok na wala ng mga puno kaya Tree planting activity is very much important para sa akin since hindi isa o dalawang tao lang ang nakikinabang sa mga Puno, kung hindi tayong lahat na nakatira sa mundo. Daranak Falls We took our chance na magGroup pics after sa activity then headed to Daranak falls after lunch para magbonding sa group at magrelax.
0 Comments
|
iamnoempty
Archives
February 2016
Places
All
Social Media Activities |